-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaantabay na ang mga kababayan ng yumaong dating Senate Pres. Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa Cagayan de Oro City kasabay ng nakatakdang pagdating ng labi nito.

Ipinaabot ni Mayor Oscar Moreno sa pamilya Pimentel ang pakikiramay ng buong siyudad sa pagpanaw ng tinaguriang “Father of Local Government” dahil sa sakit.

Nakausap na raw ng alkalde ang anak ng dating senador at ngayo’y re-elected Sen. Koko Pimentel para masilayan ng kanilang mga kababayan ang yumaong former lawmaker.

Bukod sa pagiging senador at utak ng Local Government Code, isa ring human rights advocate si Pimentel at kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dating nakulong si Pimentel dahil sa martial law, na siyang naging daan para mabuo nito ang Partido Demokratiko Pilipino Laban ng Bayan (PDP-LABAN) na siyang partido ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.