-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaring ngayong taon ding ito makakamit ang mga investment pledges na nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagbiyahe niya sa ibang bansa.

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na nasa P4.84 bilyon na halaga ng mga investment pledges ang nakuha ng pangulo sa mga magkakasunod na biyahe nito sa ibang bansa mula pa noong nakaraang taon.

Ang nasabing halaga ay hanggang sa Hunyo ngayong taon lamang dahil aabot na sa 13 biyahe sa ibang bansa ang nagawa ng Pangulo mula pa sa unang araw ng kaniyang pagka-upo sa puwesto.

Pagtitiyak pa ng kalihim na may mga ahenisiya na magbabantay sa nasabing mga investment pledges kung ito nga ba ay naipapatupad ng tama.