-- Advertisements --

Naniniwala ang International Air Transport Association (IATA) na hindi agad sila makakabangon dahil sq epekto sa kanila ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa grupo, walang aniyang aasahan na pagkakaroon ng air traffic sa buong mundo o ang pagdagsa ng mga pasahero bago ang 2023.

May magandang naidulot din aniya ang COVID-19 pandemic dahil sa paghinto ng mga paggawa ng mga eroplano kaya nakatipid ang mga airline companies lalo na sa gastos at para hindi sila makapagsara.

Nauna ng inanunsiyo ng Airbus na bibilisan nila ang paggawa ng kanilang best-selling na A32 single aisle aircraft habang ang Boeing ay nakatakdang gumawa ng mahigit 43,000 na bagong eroplano hanggang 2039.