-- Advertisements --
Naniniwala si bagong Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Mendoza na makakamit ng bansa ang P3.1 trillion na tax collection ngayong taon.
Ang nasabing bilang ay mas mababa sa orihinal na target na P3.219-T.
Sinabi nito na ito ang conservative estimate na naapektuhan ang government spending dahil sa anomalya sa flood control projects.
Inabisuhan niya ang mga district officers na higpitan nila ang tax collections para maabot ang koleksyon.
Tiwala pa rin ito na malalagpasan ng ahensiya ang target collection ngayon taon.
















