CENTRAL MINDANAO-Nasa mabuting kalagayan ang mga preso na nakapiit ngayon sa North Cotabato District Jail sa Brgy Amas Kidapawan City.

Sa unang kuwarter ngayong taon ay nakapagtala ng mababang kaso ng sakit sa loob ng piitan sa probinsya kung ikumpara sa nakalipas na taon.

Ito ang kinumpirma ni Jail Officer 1 Zyres Nallos, ang jail nurse NCDJ.

Apat sa mga preso ay may sakit na tuberculosis at ang iba ay sakit sa ulo sa sobrang init ng panahon.

Tinutukan rin ng NCDJ ang mga presong may sakit ,araw-araw ay binigyan ng gamot para gumaling at hindi na makahawa sa kanilang mga kasamahan.

Nakatutok ang NCDJ sa lahat ng mga preso,may sakit man o wala para mapabuti ang kanilang kalagayan at hindi na lumala.