-- Advertisements --
Maraming mga may-ari ng hotel ngayon ang nangangailangan ng mga tauhan.
Kasunod ito sa muling pagbubukas ng ekonomiya matapos ang mahigit dalawang taon na lockdown dahil sa COVID-19.
Sa ginawang pagpupulong ng American Chamber of Commerce of the Philippines, maraming mga hotel owners ang naglahad ng malaking pangangailangan ng mga empleyado.
Ilan kasi ng mga hotel employee ay hindi na bumalik sa trabaho matapos matigil ang operayon ng nasabing industriya dahil sa COVID-19 pandemic.
Naniniwala sila na ang hotel industry sa bansa ay siyang malaking kontributor sa ekonomiya.
Umaasa rin ang mga ito na mabuksan ng mga bansa kanilang border para dumami ang mga turistang magtutungo sa bansa.