DAVAO CITY – Nasa dalawa pang lungsod sa Davao de Oro ang apektado na rin ngayon ng African Swine Fever (ASF) ito ay matapos kumpirmahin ng lokal na pamahalaan.
Sinasabing ang nasabing mga lugar ay kinabibilangan ng Compostela at Montevista.
Nagsagawa na ngayon ng culling o pagpatay sa baboy sa mga infected area ng ASF partikular sa Barangay Siocon sa Compostela.
Una ng sinabi ng Department of Agriculture (DA)-Regional Field Office Davao Region na base sa inilabaw na resulta mula sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory-Davao Region, nagpositibo sa ASF ang blood sample ng mga baboy.
Agad naman na gumawa ng hakbang si Mayor Lema Bolo ito ay base na rin sa containment protocol ng ASF ito ay para matiyak na hindi makalabas ang naturang sakit sa mga alagang baboy sa iba lang mga barangay sa lugar.
Sa kasalukuyan, nagpatupad na ng mahigpit na checkpoint na may wheel bath sa entry ug exit points sa Barangay Siocon upang masiguro na ma-disinfect ang mga papasok at lalabas sa nasbaing barangay.
Isa rin sa apektado ng ASF ang Barangay Linoan sa Montevista Davao de Oro.
Pinayohan na rin ngayon ni Mayor Eutropio Jayectin ang mga residente na nag-aalaga ng baboy na sakop ng 500 meter radius mula sa infected area na agad makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office ito ay para makapagsagawa agad ng hakbang ang munisipiyo at mapigilan ang posibleng paghawa ng ASF sa iba pang mga alagang baboy.
Tiniyak naman ng DA-11 na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong hog raisers.