-- Advertisements --

Cebu City – Pinaalahanan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang mga Cebuano na kailangang paring sumunod sa minimum health protocols kahit pamana nasa General Community Quarantine na ang lungsod.

Inutusan na rin ng alkalde ang iba’t-ibang departmento gaya ng Prevention, Restoration, Order, Beautification, and Enhancement o PROBE, City Environmental and Sanitation Team (CESET), at pati na ang PNP na huhulihin ang sinong mang hindi magsuot nga face mask at hindi susunod sa physical distancing.

May ihahanda namang kaoshiung buses na siyang magsilbing detention cell sa mga mahuhuli.

Base sa available na datos mula sa Cebu City Health Department, aabot na sa 3,434 ang nahawaan ng COVID-19 kung saan 54 percent sa mga confirmed cases ang nakarecover na.

Habang 37 naman ang namatay kung saan isa lang ang bagong nadagdag.