-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpalabas ng Executive Order (EO) si Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Ohto Montawal na nag-aatas na huwag tanggapin at papasukin sa mga tanggapan at establisiyemento sa bayan ang mga taong hindi nagpabakuna laban sa Coronavirus Disease (Covid-19)

Sinabi ng Alkalde na nais niyang maging ligtas ang kanyang mga nasasakupan kontra sa nakamamatay na virus.

Buo ang suporta ni Mayor Montawal sa RESBAKUNA KASANGGA NG BIDA na ipinatutupad ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa lalawigan ng Maguindanao.

Kasabay ng vaccination rollout namigay ng rice at grocery packs ang lokal na pamahalaan upang mahikayat ang publiko na magpabakuna.

Matatandaan na dagsa ang mga tao sa municipal gym ng munisipyo dahil tumanggap na ng second dose ng bakuna ang maraming mamamayan ng Datu Montawal Maguindanao.