Tatalakayin sa official visit ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga hindi nabayarang sweldo ng mg Filipino OFW’s sa Saudi Arabia.
Ito ang kinumpirma ni DFA Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa press briefing sa Malakanyang.
Sinabi ni Espiritu hindi pa niya maibigay ang mga detalye ukol dito dahil pag-uusapan ito sa nakatakdang bilateral meeting sa pagitan ng Saudi Arabia at Pilipinas.
Kung maalala nangako ang Kingdom of Saudi Arabia na maglaan ng P2 billion riyals para sa mga hindi nabayarang sahod ng nasa 10,000 OFWs na employed ng construction firms na diniklarang bankrupt nuong 2015 at 2016.
Samantala, inihayag ni Espiritu na ang protection of migrant workers, at maging ang iba pang labor issues ay kabilang sa pag-uusapan sa bilateral meeting sa pagitan ng Manila at Riyadh.
Posible din matalakay ang kaso ni Marjorette Garcia, na napatay sa Saudi Arabia.
Nakatakdang bumiyahe si Pang. Marcos sa Saudi Arabia sa October 19-20 para lumahok sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit.