-- Advertisements --
Kinilala ni Queen Elizabeth II ang mga health leadersa United Kingdom na lumalaban sa COVID-19.
Iginawad sa kanila ang George Cross na isa sa pinakamataas na non-military award na ibinibigay ng British government.
Kabilang sa binigyan ng award si May Parsons isang nurse na siyang nagturok ng unang shot ng COVID-19 vaccine.
Magugunitang ang Britanya ay unang bansa sa buong mundo na nagturok ng aprubadong COVID-19 vaccine.