Nakatakdang magpulong ngayong araw ang PNP-FEO at Comelec para plantsahin ang mga gusot hinggil sa implementasyon ng gun ban.
Ayon kay PNP FEO chief C/Supt. Valeriano de Leom, magpupulong sila sa araw na ito kasama ang mga opisyal ng Comelec upang iparating ang mga tanong ng iba’t ibang stakeholders.
Sinabi ni De Leon na kasama sa mga tanong ay kung maaring bumili ng baril ang isang pribadong indibidwal ngayong may gun ban kahit na hindi ito kukunin at nakadeposito lamang sa Camp Crame.
Ilalabas lang ito pagkatapos ng gun ban.
Dagdag pa ni De Leon, hindi rin pinapayagan na magkabentahan ng baril ang mga pribadong indibidwal kahit hindi pa na-turn over ng personal ang baril.
Dahil pagginamit ito sa hindi maganda ng orihinal na may-ari ang mananagot ay ang bago nang may-ari kahit wala pa sa kaniya ang baril.
Ang mga miyembro lamang ng mga law enforcement agencies ang pinapayagan na makapagdala ng baril ngayong panahon ng election period na tatagal hanggang June 12, 2019.