Ikinokonsidera ngayon ng Phlippine Sports Committee na kanilang isasabak sa Asian Games sa China ang mga nakakuha ng gold at silver medals sa katatapos na Southeast Asian Games na ginanap sa Cambodia.
Sinabi ni POC President Abraham Tolentino, na isa sa kanilang parameter at malakas nilang ikinokonsidera ang mga gold at silver medalista na isabak sa Asian Games.
Bukod pa dito ay naikokonsidera ang Asian at world rankings bilang Asiad na magsisilbign qualifiers para sa 2024 Paris Olympics.
Noong 2018 Asian Games sa Indonesia ay mayroong apat na gintong medalya ang Pilipinas mula kina Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, Yuka Saso at Bianca Pagdanganan at Lois Go sa golf ganun din mayroon din silang dalawang silver at 15 bronze medals.
Gaganapin ang Asian Games sa China mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.










