-- Advertisements --
pogo

Umapela si House Ways and Means Chair Joey Salceda sa gobyerno, na tratuhin ng naaayon sa batas ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) foreign workers gaya ng ng ibang banyaga na nag-o-overstay sa bansa.

Ginawa ni Salceda ang pahayag ngayong inaayos na ng Bureau of Immigration ang pagpapa-deport sa tinatayang 48,000 na mga unlicensed POGO operators.

Aniya, gamitin ang existing na batas para sa illegal aliens.

May mga batas ang Pilipinas sa pagpapa-deport ng mga illegal worker at dapat itong magamit nang mabuti.

Paalala rin ng economist solon, may ilang libo rin na Pilipino na undocumented sa ibang mga bansa gaya ng mga nasa USA, Netherlands, Italy at Saudi Arabia.

Anumang hindi makatwiran na batas laban sa mga undocumented worker sa Pilipinas magre-reflect sa bansa, at posibleng makaapekto rin sa mga kababayan natin abroad na walang papeles.