-- Advertisements --

Nilinaw ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID), na bawal pa ring pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhang turista mula sa ibang bansa.

Simula ngayong araw ay mas magaan na ang patakaran ng IATF tungkol sa mga arriving foreign nationals.

Sinabi ni Nograles na hindi pa bukas ang bansa para sa mga turista. Ang mga papayagan lamang ay may mga existing visa at valid tulad ng investor’s visa, foreign spouses, mga anak, at iba pang nasa patakaran ng Bureau of Immigration (BI).

Kinakailangan ng mga biyahero na nais magpunta sa Pilipinas na sumailalim muli sa coronavirus testing matapos ang limang araw na quaratine o sa ika-anim na araw ng kanilang pagdating sa Pilipinas.

Sa oras na lumabas na negatibo ang resulta ng ikalawang swab test ay saka lamang ito ieendero sa local government unit (LGU) ng lugar na kanilang pupuntahan upang doon ituloy ang dagdag pa na pitong araw para makumpleto ang quarantine period.

Nagpaliwanag naman si Nograles kung bakit hindi na tinuloy ng IATF ang mas mahigpit na travel restrictions kahit pa nananatili ang banta ng UK variant ng COVID-19.

Ayon daw kasi sa mga eksperto, mas mainam umano kung babantayan ang sintomas na nararanasan ng isang indibidwal na papasok sa bansa.