-- Advertisements --

Plano ngayon ng Taliban government sa Afghanistan na gawing eocnomic zones para sa mga negosyo ang mga dating military bases ng mga iba’t-ibang bansa.

Mula kasi ng makontrol ng Taliban ang Afghanistan noong Agosto 2021 ay nahaharap sa humanitarian at economic crisis ang nasabing bansa.

Sa loob ng mahigit dalawang dekada ay nananatili ang foreign military forces.

Ang desisyon ay inanunsiyo ni acting deputy prime minister for economic affairs Mullah Abdul Ghani Baradar.

Magsisimula ang nasabing proyekto sa Kabul at northern Balk province.