-- Advertisements --

Nagsimula ng dumating ang mga fans para manoond ng 2022 FIFA World Cup sa Qatar.

Simula kasi nitong Nobyembre 1 ay pinaluwag na ng Qatar ang COVID-19 restrictions sa mga bisita.

Lahat ng mga dumarating kasi sa Qatar ay hindi na kailangan ng magpresenta ng negatibong PCR o Rapid Antigen test bago bumiyahe pero kailangan pa rin silang magpakita ng kanilang vaccination certificate.

Napagkasunduan din ng mga opisyal ang pagtanggal sa pagpaparehistro sa contact tracing app ng bansa sa mga biyahero.

Maging ang pagsusuot ng facemask ay niluwagan na at ito maaring isuot lamang kapag pumapasok sa mga health facilities.

Kinakailangan lamang nila ngayon ay ang pagpaparehistro sa Hayya entry permit na naglalaman ng larawan mga bibisita at ito ay mayroong QR Code.

Magsisimula ang FIFA World Cup sa Nobyembre 20 at ito ay magtatapos ng hanggang Disyembre 18.