-- Advertisements --

DAVAO CITY- Balik na sa normal ang mga flights ng F. Bangoy International Airport sa lungsod ng Davao matapos itong kinansela noong Linggo ng gabi dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Pero mayroon pa ring mga flights ang patuloy na delay matapos ni-reschedule ang kanilang mga byahe bukas.

Sa pag-aalburuto ng Taal volcano, daan-daang mga pasahero ang stranded sa Francisco Bangoy International Airport matapos na kinansela ng mga airline companies ang kanilang mga flights papuntang Maynila.

Kabilang sa mga ikinansela ay ang flight ng alas-7:00 hanggang alas-11:00 ng gabi.