LAOAG CITY – Natakot ang mga Pilipino na empleyado sa isang bilihan ng sasakyan sa Kalihi Area, Hawaii dahil sa nangyaring pamamaril.

Sa nakalap na impormasyon ni Bombo International Correspondent Manny Pascua, sobrang natakot ang mga Pilipino kasama ang ilang Ilokano nang mangyari ang pagbaril ng mga police sa isa sa mga suspek na di-umano’y nangholdap sa Pearl City.

Base sa nakausap ni Pascua na empleyado at tubo ng Brgy. Calayab dito sa Laoag City ay nabasag ang mga salamin ng kumpanya at nakita nila ang pamamaril.

Paliwanag ni Pascua a di-umano’y nangholdap ang dalawang lalaki sa isang malaking establisimiyento sa Pearl City at nang makita ng mga pulis ay dito na sila naghabolan hanggang nakarating sila sa bilihan ng sasakyan sa Kalihi Area.

Nabatid ni Pascua na ang isa sa mga suspek ay nasa 30 taong gulang.

Itinakbo sa ospital ang nabaril na suspek sa Queens City Medical Center ngunit idineklarang patay nang makarating sa ospital.

Nalaman ni Pascua na sinabi ng mga top officials ng Honolulu na kapag hindi hihinto ang kasamaan sa kanilang lugar ay gagamitin nila ang US Secret Service.