-- Advertisements --
Nanatiling malaki ang paniniwala ng mga Filipino fans na magtatagumpay sa America’s Got Talent Finale ang pambato ng bansa na si Marcelito Pomoy.
Ito ay dahil nananatili ang kalamangan niya sa fan vote ilang oras bago magsimula ang nasabing sikat na talent show.
Umaasa rin ang mga fans ng singer na makuha nito ang super fan vote matapos ang komento ng judge na si Simon Cowell noong huling performance nito na sinabing ‘predictable’ na ang kakantahin nito.
Magsisimula mamayang alas-9 ng umag oras Pilipinas ang season finale ng America’s Got Talent.