-- Advertisements --

Maraming fans ng seven-time Grammy Award winner Billie Eilish ang nasasabik sa pagsasagawa ng concert nito sa bansa.

Isasagawa kasi ng American singer ang kaniyang concert sa darating Agosto 13 sa SM Mall of Asia.

Ang nasabing concert ay bahagi ng kaniyang Asian leg ng ongoing tour na “Happier than Ever”.

Una ng nakansela ang concert sa bansa ng 20-anyos na American singer noong Setyembre 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.