tugue students

TUGUEGARAO CITY – Nakatakdang dalhin na ngayong araw na ito ng Philippine Red Cross (PRC)-Cagayan ang nalikom na tulong ng Edukasyong Pagpapahalaga Club ng Cagayan National High School para sa mga evacuees ng Taal volcano eruption.

Sinabi ni Marc Jesse Pelagio, president ng club na limang boxes ang kanilang dinala sa PRC na naglalaman ng iba’t ibang mga gamit at hygiene kits.

Bukod dito, sinabi niya na ang nalikom nanan nila na cash ay ibinili ng food items.

Ayon kay Pelgio, patuloy silang lilikom ng mga donasyon para sa mga evacuees.