Dapat pa rin na magsuot ng face masks ang mga estudyante at mga guro na pumapasok sa mga eskwelahan ayon sa Department of Health (DOH).
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na boluntaryong paggamit ng face masks sa open spaces sa katapusan ng taon.
Binigyang diin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang proposal ng IATF para sa optional na pagsusuot ng face masks ay para lamang sa open spaces o sa non-crowded outdoor areas na may magandang bentilasyon kaakibat ng magandang COVID-19 booster coverage.
Ipinunto din ni Vergeire na ang mga klase ay isinasagawa indoors kaya hindi ito saklaw sa rekomendasyon.
Umapela din ang DOH official sa mga magulang at guardians para matiyak na ang kanilang mga anak ay magsusuot pa rin ng face masks sa mga paaralan upang maiwasan ang banta na ma-infect ng virus.
Hinimok din ng IATF ang mga senior citizens at immunocompromised individuals na panatilihin ang pagsusuot ng face masks.
Home Nation
Mga estudyante at guro na pumapasok sa mga eskwelahan, required pa rin na magsuot ng face masks
-- Advertisements --