-- Advertisements --
NAGA CITY- Inaasahan na umanong makakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho ang mga mamamayan sa bansang Greece sa darating na lunes.
Sa report ni Bombo International Correspondent Hener Miranda, sinabi nitong dahil sa maagang pagpapatupad ng lockdown sa nasabing bansa dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19), maaga rin umano nitong naagapan ang nasabing sakit.
Ngunit sa kabila nito, mahigpit pa rin ang pag-monitor ng mga otoridad dito pagdating sa pagsusuot ng facemask.
Dagdag pa nito nagpatupad na rin ng batas ang gobyerno laban sa COVID-19 at pagkakaroon ng multa ng sino mang lalabag dito.
Ito’y upang seryosohin ng mga mamamayan sa lugar ang pagsunod sa mga ipinapatupad na ordinansa.