Inihayag ng Department of Foreign Affairs na inirekomenda na ng mga embahada ng Pilipinas sa Israel kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim na Alert Level 3 ang Gaza strip sa bahagi ng Israel.
Ito ang isa sa mga hakbang ng naturang ahensya sa gitna ng umiigting na sigalot sa pagitan ng Israeli security forces at Palestinian militant group na Hamas.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, walang umiiral na alert level system sa nasabing bansa dahil hindi naman nagpapadala ng mga empleyado ang Pilipinas doon ngunit ito ang inirekomenda ng mga embahada ng Pilipinas doon.
Nangangahulugan ito ng pagpapatupad ng boluntaryong repatriation sa mga Pilipinong apektado ng naturang kaguluhan, na nangngahulugan ding restricted phase kahit na hindi pa ito pormal na naaaprubahan ng punong ehekutibo.