-- Advertisements --

Muling magpupulong ang World Health Organization (WHO) para talakayin kung nararapat na nga bang ideklarang global health emergency ang outbreak ng monkeypox.

Ayon sa WHO, isasagawa ang pulong ng kanilang experts sa darating na July 21.

Bawat emergency committee ay magbibigay ng kanilang pananaw sa monkeypox at ipaparating sa director ng WHO.

Mula pa noong Mayo ay tumaas ang kaso ng monkeypox sa labas ng West at Central African countries.