-- Advertisements --
Hinikayat ng mga economic managers ng ating bansa ang mga investors sa Canada na subukang tuklasin ang Pilipinas para maglaan sila ng kanilang negosyo.
Isinulong ng economic managers ang energy business na kamakailan ay pinayagan ng gobyerno ang pagkakaroon ng foreign ownership.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na ang Canada bilang pangunahing lider sa clean energy ay may malaking benepisyong makakamit ang Pilipinas kapag nagtayo sila ng kanilang negosyo dito.
Nasa 68 percent kasi ng kuryente sa Canada ay mula kasi sa hydro, wind, solar at ilang mga renewable sources.
Ang Canadian roadshow ng mga economic managers ng gobyerno ay siyang panghuling panghihikayat nila ng mga investors.