Plano ng Department of Education na mamahagi ng mga e-learning carts sa mga paaralan ngayong taon.
Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, ang mga e-learning carts ay katulad ng mga rolling libraries na may laptops na maaaring dalhin mula sa isang eskwelahan papunta sa iba pa.
Batay sa inisyal na plano ng Dep-Ed, target nilang mabigyan ang nasa limanlibong eskwelahan bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ang nasabing plano aniya ay upang mapalakas pa lalo ang paggamit ng teknolohiya sa mga eskwelahan, at matugunan ang umanoy ‘gap’ sa mga ito.
Paliwanag ng DepEd Spokesperson na nais nilang maipakilala sa mga estudyante ang maayos na paggamit ng mga gadget o anumang makabagong teknolohiya, at hindi lamang inaabuso ang mga ito.
malaki aniya ang maitutulong ng mga teknolohiya para matugunan ang anumang pagkukulang pa sa edukasyon.
Ang tradisyunan na ginagawa kasi aniya ng kagawaran ay ang pag-hire ng mas maraming mga guro ngunit hindi na rin umano ito nagiging sapat upang matugunan ang problema sa edukasyon.