-- Advertisements --

Sisimulan na ng mga local government unit ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal ang paghuli sa mga electric bicycle (e-bikes), tricycles at pedicabs na dumadaan sa national highways.

Sinabi ni San Mateo Municipal Administrator Henry Desiderio, na sa araw ng Lunes , Pebrero 5 ay hihigpitan nila ang pag-huli.

Ang nasabing mga sasakyan aniya ay siyang dahilan ng nagdudulot ng matinding trapiko sa nasabing lugar lalo na kapag rush hour.

Pagmumultahin ng P2,500 ang mga drivers ng e-bikes at tricycles sa unang dalawang violations at sa pangatlo ay ang revocation na ng kanilang prankisa.