Hindi dapat isama sa mga restrictions para sa mga unvaccinated kontra COVID-19 sa National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3 ang mga taong hindi pa nababakunahan dahil sa kanilang medical condition, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.
Sinabi ni Abalos na nasa 100,000 hanggang 250,000 oa ang hindi nababakunahan kontra COVID-19 sa buong Metro Manila.
Iginiit ni Abalos na “very understandable” naman kung ang kanilang medical condition ang dahilan ng ilan kaya hindi pa nababakunahan ang mga ito kontra COVID-19 hanggang sa ngayon.
Kahapon, sinabi ni Abalos na nagdesisyon ang Metro Manila Council, na binubuo ng 17 alkalde sa National Capital Region, na magpatupad ng restrictions sa mobility ng mga tao sa NCR na hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ang mga hindi pa bakunado ay dapat na manatili sa kanikanilang mga bahay sa lahat ng oras, maliban na lamang kung sila ay may bibilhing essential goods at services.
Papayagan naman ang individual outdoor exervice basta pasok sa general area ng kanilang tirahan dipende na rin sa patakaran ng mga local government units.
Pero iyong mga hindi pa bakunado, pinagbabawalan sila sa anumang indoor at outdoor dining sa mga restauarants at iba food establishments.
Bawal din sila sa mga leisure o social trips sa mga malls, hotels, event venues, sports at country clubs, at mga kaparehong pasilidad alinsundo na rin sa guidelines ng mga LGUs at establisiyemento.
Hindi rin pinapahintulutan ang mga hindi pa bakunado na makabiyahe sakay ng mga pampublikong sasakyan ito man ay sa pamamagitan ng land, air o sea.