-- Advertisements --

Nararapat lamang umanong hindi isali sa restrictions ng Metro Manila Council (MMC) ang mga hindi pa bakunadong indibidwal dahil sa kanilang medical condition.

Kasunod na rin ito ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 status.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos, naiintindihan naman daw nila ang kondisyong kinahaharap ng mga hindi nagpabakunang kababayan dahil sa kanilang kondisyon.

Sa ngayon, nasa 100,000 hanggang 250,000 ang hindi raw vaccinated ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa Metro Manila.

Samantala, papayagan pa rin naman ang individual outdoor exercise sa general area sa kanilang mga bahay depende sa rules ng concerned local government units.

Ipagbabawal sa mga unvaccinated na mga indibidwal ang indoor at outdoor dining sa mga restaurants at iba pang food establishments.

Bawal din sa kanila ang leisure o social trips sa mga malls, hotels, event venues, sports at country clubs at kahalintulad na mga pasilidad alinsunod sa guidelines ng mga LGUs at establishments.

Bawal din ang domestic travel gamit ang public transportation sa pamamagitan ng land, sea at air.