-- Advertisements --
Nagbigay linaw ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga benepisyo na dapat tanggapin ng mga food delivery at courier riders.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na dumepende ang mga ito kung mga ito ay sakop ng Labor Code of the Philippines o kontrata sa kani-kanilang mga digital platform company.
Bilang empleyado ng digital platform company ay dapat sila na magkaroon ng minimum benefits sa ilalim ng Labor Code.
Habang ang mga independent contractors o freelancers ay sumasakop sa mga kontrata na kanilang napagkasunduan sa digital platform company.