KALIBO, Aklan—Naka-alerto ang buong pwersa ng pulisya at iba pang multi-agency personnel upang tikayin ang kaligtasan ng mga delegado na kasalukuyang nasa isla ng Boracay sa pagsisimula ngayong araw ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 3rd Digital Ministers Meeting (ADGMIN) at ASEAN Digital Senior Officials (ADGSOM).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PSSgt. Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office (APPO), daan-daang uniformed police personnel at iba pang security forces ang nakadeploy sa isla at maging sa mainland Malay upang tikayin ang seguridad ng nasa 150 international visitors mula sa sampung ASEAN member states na kinabibilangan ng Laos, Indonesia, Philippines, Singapore, Cambodia, Malaysia, Myanmar, Viet Nam, Brunei Darussalam, Thailand at dialogue partners na United Kingdom, India, Australia, China, Japan, US, New Zealand, Canada, EU, Republic of Korea at Russia na inaasahang kasali at dadalo din sa nasabing international event.
Kumpiyansa sila na magampanan ang kanilang obligasyon kung saan, malaki ang tiwali ng organizers sa kanilang serbisyo lalo na sa kapulisan ng probinsya ng Aklan.
Samantala, nakalatag na ang mga floating asset personnel ng Philippine Coastguard Aklan sa karagatan ng isla, sa mga shoreline, border checkpoint sa Caticlan airport, Caticlan at Cagban ports upang umalalay sa security forces.
Sa kasalukuyan ayon kay Senior Chief Petty Officer Dominador Salvino ng PCG Aklan na wala aniya silang namonitor na anumang banta sa maaaring dumaan sa entry at exit point sa karagatan ng isla na makabulabog sa malaking event na gaganapin sa Boracay na magsisimula na ngayong araw ng Lunes, Pebrero 6 at magtatapos sa Pebrero 10, 2023.
Nabatid na si Ambassador at Large for Cyberspace and Digital Policy Nathaniel C. Fick and Deputy Assistant Secretary for International Information and Communications Policy Steve Lang ang mangunguna sa U.S. delegation to the Digital Ministers’ (ADGMIN) Meeting and Digital Senior Officials’ (ADGSOM) Meetings.
Ang nasabing event ay pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may temang “Synergy Towards a Sustainable Digital Future” na layuning palakasin ang digital skills at digital transformation ng mga ASEAN member states sa nasabing mga bansa.