-- Advertisements --

Nahuhuli na ng mga Pest Control personnel ang mga dagang gumagala sa iba’t-ibang pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Atty. Chris Bendijo, na may iba’t-ibang mga kaparaanan ang kanilang pest control para mahuli ang mga peste na naglipana sa paliparan.

Ayon naman ni MIAA General Manager Eric Ines na kanilang rerepasuhin ang kontrata nila sa Pest Control provider ng paliparan kapag hindi natugunan ang nasabing problema.

Magugunitang inireklamo ng ilang pasahero ng paliparan ang paglipana ng mga daga at surot noong nakaraang mga linggo.