-- Advertisements --
Makakatanggap ng kanilang parte ng service charge ang mga non-regular o contractual employees na nakukulekta ng mga nasa service sector gaya ng hotels at restaurants.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, na may inilabas na sila ng bagong Department Order na nag-aamenda sa implementeng rules and regulations ng Service Charge Law.
Dahil dito ay mas maraming mga manggagawa ang mga makakatanggap na ng service charges.
Isa ito ng paraan aniya na kumikilala sa benepisyo ng mga mangagawa sa nasabing sektor.