-- Advertisements --

Sinimulan nang alisin ng salvage crew ang mga containers na karga ng bumangga ng cargo ship sa Francis Scott Key Bridge sa Baltimore na nagdulot din ng pagguho nito.

Sa harap ito ng patuloy na pagsusumikap ng mga otoridad para sa muling pagbubukas ng naturang lugar na isa sa mga itinuturo na main shipping lanes sa naturang bansa.

Sa isang statement sinabi ng Key Bridge Response Unified Command na sinimulan ng mga otoridad ang pagtatanggal ng mga bahagi ng tulay na nasa bow ng barko upang mapahintulutan pa lalo ang mas maluwag na paggalaw dito.

Magpapatuloy ang kanilang operasyon sa pag-aalis ng containers mula sa deck ng nasabing barko ngayong Linggo hanggat nanatili pang maaliwalas ang panahon.

Samantala, sa ngayon ay nasa kabuuang 32 na mga barko na ang nakadaan sa lugar sa pamamagitan ng mga itinayo ng temporary channels.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagsagawa na rin ng helicopter tour si USA President Joe Biden sa naturang lugar habang nagpapatuloy ang ginagawang construction at salvage operation ng mga otoridad dito.

Kasunod nito ay tinungo rin ng Pangulo ang mga pamilya ng nasawing biktima mula sa naturang trahedya.