ILOILO CITY – Iminungkahi ni National Task Force COVID-19 contact tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dapat ay seryosohin ang paglaban ng gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19).
Ito’y kasunod na rin ng suhestyon ni Police Regional Office 7 Directoir Brigadier Gen. Ignatius Dacoco Ferro na dapat daw ay patulungin ang mga tsismosa sa COVID-19 contact tracing.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Roberto Niño, tagapagsalita ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Iloilo, nilinaw umano ni Magalong na hindi isang biro ang krisis na hinaharap ng bansa.
Ayon kay Niño, malaki ang posibilidad na mahihirapan ang mga otoridad na linawin ang katotohanan sa mga bibitawang salita ng mga tsismosa.
Mas mainam aniya na sundin na lang ang mungkahi ni Magalong na ibigay sa Barangay Health Emergency Response Team ang responsibilidad sa COVID-19 contact tracing.