-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mahigpit ang isinagawang pagbabantay ng Bureau of Quarantine matapos dumating sa Davao City ngayong araw ang mga pasahero mula mismo sa Jinjiang, China sakay ng Xiamen Air bandang alas 12:30 ng tanghali.

Sa paglapag ng nasabing eroplano, mahigpit na ipinatupad ang monitoring ng Bureau of Quarantine kung saan ginamit nito ang thermal scanner upang ma-detect kung mayroon bang mga pasahero na nagdadala ng sintomas ng novel coronavirus o 2019 nCoV.

Ayon sa Bureau of Quarantine, kung sakaling pupula ang ulo ng mga pasahero gamit ang thermal scanner, agad nila itong i-ho-hold at dino-double check upang masiguro na hindi makakalusot ang naturang virus sa syudad ng Davao.

Napansin na lahat ng mga pasahero ng naturang flight ay nakasuot ng face masks dahil na rin sa mga paalala.

Gayunman, base sa monitoring ng Bureau of Quarantine sa mga dumating na mga pasahero lalo na ang mga Chinese Nationals, nag-negatibo ito sa sintomas ng 2019 N-CoV.