BUTUAN CITY – Pinaalalahanan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Caraganons na maging mapagmatyag lalo na sa posibleng epekto maihahatid ng bagyong Queenie.
Ayon kay Jill Galicha, weather oberver ng Pagasa sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ang binabantayan nila ngayong bagyong Queenie na isang tropical storm ay hindi kasinlakas ng bagyong Paeng ngunit kailangan pa ring magdoble ingat dahil magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan na magreresulta sa mga pagbaha.
Posible umanong mamayang hapon o gabi ay makakaranas na ng mga pag-ulan ang silangang bahagi ng Caraga Region oang mga lalawigan ng Surigao Del Sur, Surigao Del Norte at Dinagat Island at posibleng itataas na ang signal number 1 sa naturang mga lugar.
May itataas na ring gale warning kung kaya’t maaring may ikakansela biyahe sa mga sasakyang pandagat pati na sa mga eroplano.