-- Advertisements --

Bilang tugon sa pagbuhos ng 60,000 pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong long weekend ay dinagdagan pa ng pamunuan nito ang mga bumabyaheng bus patungong mga probinsya.

Itinaas sa 1800 hanggang 2000 ang bilang ng mga bus na babyahe ngayong weekend mula sa dating 1200 hanggang 1500 na mga bus na kanilang itinatalaga sa mga regular na araw kabilang na ang mga city operations at byaheng patungo sa probinsya.

Mahigpit ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar at mabusisi rin ang ginagawang pagsusuri sa mga dalang requirements ng mga pasahero dito.

Kasalukuyan nang fully booked ang mga byahe patungong Guinayangan at Calauag sa Quezon Provine.

Hinihikayat naman ng pamunuan ng PITX ang mga pasaherong babyahe ngayong long weekend na mag book online, makipag uganayan sa mga lokal na pamahalaan ng mga lugar na kanilang pupuntahan at magdala ng valid IDs. (Marlene Padiernos)