-- Advertisements --

Naglabas ang MalacaƱang ng Executive Order na nag aatas na i-exempt sa travel tax ang mga pasaherong mula international airport at seaport ng Palawan at Mindanao na pupunta sa East Asian growth area.

Sa EO No. 29 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inutos ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi na kailangang magbayad ng travel tax ang mga pasahero mula Palawan at Mindanao na lilipad papuntang Brunei, ilang bahagi ng Indonesia, at Malaysia.

Layunin nito na palakasin ang ekonomiya sa Palawan at Mindanao.

Kasama din sa exemption ang mga pasaherong may connecting flight sa Mindanao at Palawan papunta sa mga nabanggit na bansa.

Magiging epektibo ang EO 29, 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette ang EO at tatagal hanggang June 30, 2028.