-- Advertisements --
Pasok na sa twice-to-beat quarterfinals ng PBA Season 49 Philippine Cup ang Magnolia Hotshots.
Ito ay matapos na talunin nila ang TNT Tropang 5G sa score na 88-83 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Mayroon ng walong panalo at tatlong talo ang Magnolia habang ang TNT ay mayroong anim na panalo at limang talo na parehas sila ng Meralco Bolts.
Bumida sa panalo ng Magnolia si Zav Lucero na mayroong 24 points habang mayroon 13 points ang naitala ni William Navaro para sa Magnolia.
Nasayang naman ang nagawang 18 points ni Calvin Oftana at 15 points ni RR Pogoy para sa TNT.