Nanindigan ang Commission on Election (COMELEC) na wala ng magiging aberya pa at tuloy na tuloy na sa Disyembre 1 ang Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE).
Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, na gagawing manual counting ang BSKE.
Magsisimula ang botohan mula ala-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Maglalaan din ang COMELEC ng maagang oras para makaboto ang mga senior citizens, persons with disabilities at mga buntis.
Magsisimula naman mula Hulyo 1 hanggang 11 ang registration para sa BSKE habang ang filing of certificate of candidacy (COC) ay mula Oktubre 1 hanggang 7.
Binalaan din ng Comelec chairman ang mahaharap sa kaso ang mga local officials na nagsusuporta sa kandidatura ng isang barangay opisyal ay bawal din ang mga ito na ikampanya o gamitin ang pondo ng gobyerno at mga proyekto para sa mga kandidato.