-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na nagpatupad ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Bansalan, Daveo del Sur sa mga residente na nakatira na nasa paanan ng Mt. Apo matapos ang nangyaring land slide kamakailan.

Nakakita rin daw kasi ng tension cracks sa paligit nito matapos maganap ang sunod-sunod na lindol.

Ayon kay Brgy. Captain Sixto Taparan, lumambot ang lupa dahil sa ilang araw na mga pag-ulan, gayundin na may mga bitak sa lupa dahil sa lindol.

Sa ngayon higit 80 pamilya ang nagsi-alisan sakani-kanilang mga bahay sa Purok Pluto, Sitio Balutakay, at Brgy. Managa, sa bayan ng Bansalan.

Matatandaan na nagsagawa ng inspection noong November 6 at 7 ang mga tauhan ng Mines and Geosciences Bureau matapos ang mga paglindol.

Agad nilang inirekomenda ang forced evacuation matapos mabatid ang mga bitak sa lugar.