-- Advertisements --
image 538

Patuloy na tinutulungan ng Philippine Red Cross ang ilang residente ng binahang lugar sa lalawigan ng Abra dahil sa umiiral na sama ng panahon.

Ayon sa PRC, partikular nilang dinayo ang Sitio Ramramot, Bangued, Abra.

Ang malaking parte kasi ng nasabing lugar ay nalubog sa baha bunsod ng typhoon Goring at hanging habagat.

Umaabot sa mahigit 100 indibidwal ang hinatiran ng pagkain, partikular na ng kinakailangang hotmeals, upang hindi na kailangan pang lutuin ng mga binahang residente.

Nabatid na tumaas ang tubig dahil sa pagtaas ng water level sa Banacao River.

Matatandaang una nang naapektuhan ang lalawigan ng Abra ng manalasa ang supertyphoon Egay.

Ang PRC ay nakataas ang alerto ngayon para naman sa bagyong Goring.