-- Advertisements --

Pinawi ng Bureau of Corrections ang pag-aalala ng kaanak ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison matapos na hindi nakaligtas ang piitan sa ashfall matapos na mag-alburuto ang Taal Volcano noong Linggo, Enero 12, 2019.

Sinabi ni BuCor Director General Gerald Bantag na “light and manageable” ang naranasang ashfall sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bantag, inatasan niya kaagad ang superintendents at staff ng BuCor na manatiling naka-standby 24/7 matapos na malaman ang sitwasyon ng Bulkang Taal.

May sapat naman aniyang accommodation sa loob ng NBP para maprotektahan ang mga persons deprived of liberty (PDL) laban sa ashfall.

Nakahanda rin aniya ang mga partner hospitals nila sakaling kakailanganin ang medical attention sa mga bilanggo.

Nabatid na mahigit 28,000 inmates ang kasalukuyang nakapiit sa loob ng Bilibid, base na rin sa statistics na inilabas ng BuCor noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Subalit sobra-sobra ito kumpara sa 6,435 o maximum na bilang ng mga bilanggo na dapat lang nakapiit doon