CAGAYAN DE ORO CITY – Nakalabas na ng ospital ang tatlong katao na nasugatan sa paghagupit ng buhawi sa sentrong bahagi ng Marawi City.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima matapos matangay ng malakas na hangin ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Department (PDRRMD) ang report ng City Engineering Office sa naging danyos ng insidente.

Sinabi ni PDRRMD head Amer Hussein Lucman, na inaalam pa rin nila kung mayroong nasawi sa pangyayari.