-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Mga baka at kalabaw hinatid ng Provincial Government sa pangunguna ni Agriculture Committee Chair BM Doc. Krista Pinol-Solis sa tulong ni Vice Mayor Jivero “Jivjiv” Bombeo sa mga binipisaryo ng Provincial Animal Dispersal sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City.

May 7 na baka at 3 kalabaw ang ipinamigay sa sampung mga pamilya na ipinangako ni Gob. Nancy Catamco sa kanila nitong buwan ng Pebrero, na napabilang sa labis na natamaan ng lindol.

Ang Animal Dispersal ay isa sa mga priority projects ni Gob. Catamco para sa mga biktima ng lindol. Layon nito ay upang makatulong sa pag-ahon muli ng mga magsasakang nawalan ng hanapbuhay.

Sa maikling pagpupulong sinabi ni Doc. Krista na ang programa ni Gob. Catamco ay nakatuon sa Food Security lalong-lalo na nitong panahon ng pandemya, upang masigurong mayrong pagkain ang bawat pamilya. Hinikayat naman nito ang mga benipisaryo na ingatan at alagaan ang natanggap na hayop.

Saludo naman si Vice Mayor Bombeo sa programa ng Gobernador, “Kadako nga tabang kini para kaninyo ilabi na sitwasyon nga inyong giagian. Ako aduna akoy responsibilidad isip opisyales sa dakbayan, I have to make sure nga ang mga programa nga ginapadangat nga kaayohan gikan sa Probinsya, kinahanglan moabot gyud sa inyoha.”

Nagpapasalamat din si Brgy. Chairman Jimmy Mantawil sa patuloy na pagdating ng tulong ng Probinsiya, hindi umano ito nagpabaya sa mga kinasasakupan nito simula pa nung paglikas dahil sa malakas na lindol hanggang ngayon sa panahon ng COVID-19.

Mangiyakngiyak din na nagpapasalamat si Manong Simeon Ogan Jr. dahil may kalabaw na umano itong katuwang sa pagsaka ng kanilang sakahan. Napabayaan na umano nito ang isang ektaryang lupain at mga tanim pagkatapos ng lindol. Ngayon na may kalabaw na umano ito, tiyak na makakabangon muli ito sa kanyang hanapbuhay.
Isinagawa ang okasyon sa tulong ni Dr. Belinda Gornez mula sa tanggapan ng OPVet. Nasa okasyon din si IPMR Datu Brigido Baroro Jr., Tribal Chieftain Datu Romeo Maligon, mga konsehal ng Barangay.