Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaaring makatanggap ng hanggang P10,000 cash assistance mula sa gobyerno ang mga biktima ng malakas na lindol sa Abra .
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez na nakapaglabas na ito ng paunang halaga na P10 milyon para sa mga biktima ng magnitude 7.0 na pagyanig na yumanig sa Abra at ilang bahagi ng Luzon noong Miyerkules ng umaga.
Pinatitiyak din umano ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nakahanda na ang mga pang-ayuda sa mga biktima.
Dagdag pa ni Lopez na i-assess ng mga social welfare officer ang mga beneficiaries sa cash aid at tiniyak nito na mabigyan lahat ng ayuda.
Magugunitang kasalukuyang nasa Abra si Tulfo upang suriin ang sitwasyon ng mga biktima sa lugar.
Binisita rin ni President Ferdinand Marcos Jr ang probinsiya at pinatitiyak na maibalik na ang kuryente at communication lines sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.