-- Advertisements --
Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagbaba ng bilang ng mga baybayin na apektado ng red tide.
Ayon kay BFAR Director Demosthenes Escoto, batay sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng ahensiya, nasa apat na lugar na lamang ang nagpositibo sa red tide.
Kabilang aniya sa mga lugar na ito ang Dauis at TagbilaranCity sa Bohol, San Pedro Bay sa Samar, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Sa mga nabanggit na lugar, mahigipit na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkuha at pagkain ng anumang uri ng shelfish, alamang, at iba pang lamang dagat.
Gayonpaman, ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango, basta linisin lamang ng maigi ang mga ito.